Kabanata 29

Masaya ang Buhay

Ngayon, pumayag na ang Arsobispo at ang hari na magpakasal na si Don Juan at Donya Maria, at si Leonora ay makakasal kay Don Pedro.

Pero, pinili ni Haring Fernando na si Don Juan ang kanyang kapalit sa pagiging hari, at itinanggi ito ni Donya Maria, na ang balak ay bumalik sa Reyno de los Cristal. Nairesolba ang problemang ito sa pagpapalit ni Don Pedro at Donya Leonora kay Haring Fernando at Donya Leonora kasama ang pagpayag nila na umalis si Don Juan at Donya Maria patungong Reyno de los Cristal.

Sa pagdating nila sa Reyno de los Cristal, nakita nila na patay na ang magulang at kapatid ni Donya Maria na nagengkanto sa mga tao at ginawang tigre, bato, o kaya ano pa. Dahil dito, siyam na araw na nagbunyi ang reyno bago si Don Juan at si Donya Maria na ang bagong hari at reyna sa Reyno de los Cristal.

Ito ay ang wakas ayon sa korido ng makata:

1717
Ito na ang siyang wakas
Ng Korido kong sinulat,
Sa kataga kung may linsad
Ang hingi ko ay patawad.

(Galing sa Ibong Adarna Kabanata 29)

 

Importanteng Saknong

1695
Dinatnan ang kahariang
Nasa ibang mga kamay,
Ang kapatid at magulang
Ay wala na’t nagsipanaw.

Nakikita rito na patay na si Haring Salermo at ang kapatid ni Donya Maria, sina Juana at Isabel.  Nakikita rin dito na si Don Juan at Donya Maria ay nakaabot na sa de los Cristal.

 

Tayutay:

1695
Dinatnan ang kahariang
nasa ibang mga kamay,
ang kapatid at magulang
ay wala na’t nagsipanaw.

Sinekdoke – ang kamay ay ginagamit bilang pagpalit sa isang tao.

 

Gabay na Tanong:

Paano kaya iyon nangyari sa Kahariang delos Cristal?

Ano ang sinasabi ng pagwawakas sa mga Pilipinong manunulat?

 

(gawa ni Robert Go)

Published on February 16, 2011 at 10:14 am  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: http://adarnawiki.wordpress.com/mga-buod-ng-kabanata/kabanata-29/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: