Donya Maria

Si Donya Maria ay isa sa tatlong anak na babae ni Haring Salermo. Nagmamahal ito ni Don Juan.

 

De Los Cristal

Sa De Los Cristal, si Donya Maria ay nanabik kay Don Juan, pagkatapos nakawin ni Don Juan ang kanyang damit. Pagkatapos noon, tinulungan niya si Don Juan upang makatapos sa mga pagsubok ng kanyang ama, si Haring Salermo, sa kanya. Dahil dito, natapos ni Don Juan ang lahat ng pagsubok ni Haring Salermo, at maari na silang makasal. Subalit, may ibang plano ang hari, at ito ay patayin si Don Juan. Noong nalaman ito ni Donya Maria, siya ay nagplano ng paglilikas nila ni Don Juan. Sila ay nagtagumpay, at umalis na sila. Gusto ni Don Juan na bumalik sa Berbanya, kaya iniwan muna siya sa Ermepolis.

Kasal

Noong nalaman ni Donya Maria na si Don Juan at Donya Leonora ay may kasal, siya ay nagalit, nagporma ng damit, at pumasok sa kasal na walang imbitasyon. Bilang regalo sa makaksal, siya ay nagpalabas sa dalawang ita ng dula, ang negrito bilang si Don Juan at ang negrita bilang Donya Maria, hanggang sa ngayon. Pagkatapos noon, hindi pa rin naalala ni Don Juan ang kanilang relasyon, at sinabi niya na babasagin niya ang kanyang prasko at gugunawin ang buong Berbanya. Sa panahon na iyon, naalala siya ni Don Juan, siya ay naghingi ng tawad, at nakasal silang dalawa. Bumalik sila sa Reyno De Los Cristal, at doon sila nagtira.

Pagkatao

Ang kapatid ni Isabel at Juana (hindi ang Juana kainina), mga anak ni Haring Salermo. Sa kanilang tatlo, siya raw ang pinakamabait at pinakamaganda. Kaparehas ng maraming babae sa Ibong Adarna, nanabik si Donya Maria kay Don Juan. Samantala, iba siya sa mga ibang babae sa korido dahil handa siyang ipaglabanan ang kanyang relasyon kay Don Juan, kahit sino man ang kalaban. Bukod doon, siya ay matapang at makapangyarihan, kaya handang-handa siya sa anumang labanan.

 

(gawa ni Robert Go)

Published on March 4, 2011 at 3:10 am  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: http://adarnawiki.wordpress.com/mga-tauhan/reyno-de-los-cristal/donya-maria/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: