Kabanata 11

Inggit ang Sanhi

Kahit na pinatawad na ni Don Juan sina Don Pedro at Diego, pinagtaksilan nila muli si Juan. Habang nagtatanod si Don Juan sa Ibong Adarna, siya’y nakatulog, at pinakawalan ng dalawa ang Adarna. Nagising si Juan, at nakita niya na wala ang Adarna sa hawla, at dahil dito ay naglakbay siya sa Armenya. Sa susunod na araw, nagising si Haring Fernando, at nang mahanap na wala na ang Adarna, tinanong niya ang dalawa kung sino ang nagtanod noong isang gabi. Sinabi nila na ito ay si Don Juan, at naglakbay rin sila sa Armenya upang mahanap ang kanilang kapatid.

 

Importanteng Saknong:

426
Lumapit na ang dalawa’t
pinawalan ang Adarna,
kaya’t nang magising siya
takot agad ang bumakla.

Narito ipinakawalan nina Don Pedro at Diego ang Adarna, at ito ang muling pagtataksil nila kay Don Juan.

 

Tayutay:

431
Gaano ang panginginig,
mga mata’y nanlilisik,
nang sa hawla’y di mamasid
Adarnang aliw ng dibdib.

Pagwawangis – sinasabi rito na ang Adarna ay aliw ng dibdib, o ang kaginhawaan ng hari.

 

Gabay na Tanong

Bakit pinakawalan nina Don Pedro at Diego ang Adarna kung ito’y nagbibigay-aliw sa hari?

Kung hindi balak ni Don Juang magtago, bakit kaya siya lumayas papunta sa Armenya?

 

(gawa ni Alexander Wang Jr.)

Published on March 4, 2011 at 3:12 am  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: https://adarnawiki.wordpress.com/mga-buod-ng-kabanata/kabanata-11/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: