Kabanata 16

Muling Pagtataksil

Lumabas sina Don Juan at Donya Leonora sa balon. Nang narinig ni Don Pedro ang kanilang kwento ng mga pangyayari roon sa palasyo, nainggit siya at ninais pagtaksilan si Juan.

Naalala ni Leonorang nalimutan niya ang kanyang singsing sa loob ng palasyo at nagboluntaryo si Juang kunin ito. Nang bumababa siya, pinutol ni Pedro ang lubid at nahulog si Juan. Ang Lobo ni Leonora ay pinababa upang gamutin si Juan.

Humiling si Pedro na siya nalang ay mahalin ni Leonora. Si Leonora ay binuhat ni Pedro kahit hindi pumayag ito at inuwi siya sa Berbanya; ngunit naroon pa si Don Juan sa loob ng balon.

Sa Berbanya, nagkaroon ni Haring Fernando ng panaginip na pinagtaksilan si Juan; siya ay nag-aalala.

 

Importanteng Saknong:

697
“Kaya’t kung may maglililo
sadyang taksil na lang ito,
huwag nawang magtotoo
malupit na pangarap ko.”

Makikita ang pagkatupad ng panaginip ni Haring Fernando noong nagkaroon siya ng sakit

 

Tayutay:

661
Panibugho at ang imbot
sa puso ay sumusunog,
dibdib ay ibig pumutok
sa sama ng kanyang loob.

Pagmamalabis – exaherasyon ang pagsabog ng puso at pagputok ng puso; nainggit si Don Pedro at masama ang balak niya

683

Si Leonora’y walang kibo
dugo niya’y kumukulo, [1]
lason sa dibdib at puso [2]
kay Don Pedrong panunuyo.

[1] Pagmamalabis –

[2] Pagwawangis – nagalit si Donya Leonora kay Don Pedro

 

Gabay na Tanong:

Bakit si Don Juan ay bumalik sa balon?

Paano makita ang sama ng inggit sa itong Kabanata?

 

(gawa ni Connor Teh)

Published on March 4, 2011 at 3:28 am  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: https://adarnawiki.wordpress.com/mga-buod-ng-kabanata/kabanata-16/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: