Kabanata 19

Ang Ganti sa Mapagkumbaba

Lumala ang kalungkutan ni Donya Leonora, pero may pag-asa pa siya na buhay pa si Don Juan. Samantala, tatlong taon na naglalakbay si Don Juan pero hindi pa rin niya makita ang kaharian ng de los Cristales. Sa kaniyang kagutuman, humingi siya ng pagkain sa isang matanda na binigyan siya ng bukbuking tinapay na nang tinikman niya ay anong sarap. Ang tubig da bumbong ay tila hindi nababawasan.Tinanong niya ang matanda ng direksiyon patungong delos Cristales, ngunit walang masabi ang matanda na nagsabing isandaang taon na siyang naglalakad ay wala pa siyang naabot ng ganoong lugar. Pinayuhan na lang na hanapin niya ang ermitanyo na maaring makapabigay sa kaniya ng tungkol sa kahariang hinahanap. Binigyan niya ng kapirasong damit na ipapakita ng prinsipe sa ermitanyo para tulungan siya.

 

Importanteng Saknong:

828
“Ngunit kita’y tuturuan,
bundok na yao’y parunan,
mula rito ay tandaan
nasa ikapitong hanay.

Dito sinasabi ng matandang ermitanyo ang paraan nang papunta sa kaharian ng de los Cristales.

 

Tayutay;

815
Ininom na yaong tubig
kristal waring anong linis!

Malinamnam at ang lamig
sa dibdib ay gumuguhit!

Pagwawangis – inihahambing ang tubig at Kristal sa kalinisan.

 

Gabay na Tanong:

Ilang taon na naglalakbay si Don Juan?

Ano ang ibinigay ng matandang Ermitanyo kay Don Juan?

Ano ang sinabi ng matandang Ermitanyo kay Don Juan? Bakit niya sinabi ito?

 

(gawa ni Miguel Enriquez)

Published on March 4, 2011 at 3:37 am  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: https://adarnawiki.wordpress.com/mga-buod-ng-kabanata/kabanata-19/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: