Kabanata 21

Bunga ng Pinaghirapan

Naglakbay si Juan nang matagal bago maabot ang unang ermitanyo. Sa kanyang unang pagkikita, pinaalis siya ng ermitanyo. Ngunit, dahil may dala siyang baro na galing kay Hesus, pinapasok siya. Tinanong niya ang ermitanyo kung saan ang Reyno de los Cristales. Sinabi nito na hindi niya alam at pagkatapos tinanong ang mga hayop kung alam nila. Sinabi ng mga hayop na hindi rin nila alam. Dahil dito pinahatid ng ermitanyo si Juan sa kanyang kapatid. Bago umalis, binigyan siya ng tela na dapat ipakita sa ermitanyo. Umalis na si Juan. Nang nakarating na siya sa isa pang ermitanyo, pinaalis na naman siya. Pinakita niya ang tela, at pinapasok siya. Tinanong din niya kung alam niya saan ang de los Cristales. Sinabi niya na hindi niya ito alam. Tinanong niya ang mga ibon at sinabi nila na hindi rin nila alam. Dumating bigla ang Agila at sinabi na alam niya kung saan ang reyno. Pinahatid ng ermitanyo si Juan.

 

Importanteng Saknong:

932
Ang Prinsipe ay sumakay
sa Agilang papatnubay
masisiglang nagliparang
tungo’y sa Dakong Silangan.

Papunta na sa wakas si Juan sa de los Cristales.

 

Tayutay:

866
At nagwika ng ganito:
“Hesus na Panginoon ko,
isang galak ko na itong
pagkakita sa baro Mo.”

871
“Hesus na Panginoon ko,
limang dantaon na akong
naninirahan dito at
malayo sa mga tao.

892
“O, Diyos na darakila
ito’y isa Mong himala,
sa dunong Mo’y sino kaya
ang maaaring humula?

Panawagan – itinatawag ang Diyos sa lahat ng mga saknong na ito

 

Gabay na Tanong

Saan nanggaling ang barong ipinakita ni Juan sa unang ermitanyo?

Paano si Juan nakarating sa Kahariang de los Cristales?

 

(gawa ni Justin Nava)

Published on March 4, 2011 at 3:27 am  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: https://adarnawiki.wordpress.com/mga-buod-ng-kabanata/kabanata-21/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: