Don Juan

Si Don Juan ay ang bunso sa tatlong prinsipe sa kahariang Berbanya. Siya ang bida ng kwentong Ibong Adarna.

 

Paghanap sa Adarna

Sa kanyang abentura, siya ay nakapunta sa Bundok Tabor at nakahuli sa Ibong Adarna, dahil ang kanta ng ibon ay lunas sa sakit ng hari ng Berbanya, si Don Fernando. Noong papunta sa Tabor, mayroon siyang natulungang leproso, na siyang nagdala sa kanya sa bahay ng ermitanyo. Dito natunan ang prinsipeng marangal ang paraan ng paghuli sa Adarna. Habang siya ay nasa Tabor, naligtas niya ang kanyang dalawang kapatid, Don Diego at Don Pedro.

Subalit kasi sa kanilang tatlo, ang bunso ang nagtagumpay, diumano’y nainggit ang dalawa at pinagtaksilan nila si Juan. Kahit binugbog ng mga prinsipe si Don Juan, nagdasal siya sa panginoon, at tinulungan siya ng isang matandang manggagamot. At kaya’y nakabalik siya sa Berbanya, nang makakanta ang Ibong Adarna, at pagalingin ang nililiyag na hari.

 

Paglakbay sa Ilalim ng Balon

Hindi nagtagal ang saya, kasi ipinalaya ang Adarna ng dalawang pasaway na kapatid. Upang matakpan ang kasalanan ng dalawa, si Don Juan ay tumakas papuntang Armenya. Kaunting panahon ang nakalipas nang mahanap na naman si Juan nina Don Pedro at Diego. Mabilis na ipinatawad ng bunso sila sa lahat ng nangyari, at sabay silang naglakbay, nang mahanap ang tunay na abentura.

Sa paglalakbay nila, mayroon silang natagpuang isang mahiwagang balon. Naisipan ni Don Pedro at ni Don Diego bumaba, pero dahil sa takot, hindi nila naabot ang ilalim nito. Sa halip, muling nagtagumpay ang bunsong nilang kapatid, dahil sa kanyang katapangan. Dito niya unang nakita si Donya Juana, at niligtas niya ang prinsesa sa higanteng kasama niya. Pagkatapos, pumasok si Don Juan sa palasyo sa ilalim ng balon, gaya ng sinabi ni Juana, upang mapaligtas rin ang kapatid na si Donya Leonora. Natalo rin ni Don Juan ang serpyenteng kalaban niya, at naligtas niya si Leonora. Sabay silang umakyat ng balon, gamit ang lubid na paraan ng pagbaba.

Pagkarating sa taas ng balon, sinabi ni Leonora na naiwan ang kanyang singsing sa palasyo. Pero nang pababa ulit ni Don Juan, pinagtaksilan nanaman siya at pinutol ni Don Perdo ang lubid. Nang makita ito ni Leonora, inilabas niya ang lobo upang tulungan si Don Juan. Ang lobo ay kumuha ng tubig mula sa Ilog Herdan at pinahid ito kay Don Juan, at bigla siyang nagkaroon ng lakas na naman. Pagkatapos ay lumipad ang lobo palabas ng balon, kasama ang prinsipe.

 

De los Cristal

Nang nakalabas si Don Juan sa balon, lumapit sa kanya ang Ibong Adarna. Inutusan siya nito na maghanap kay Maria Blanca sa kaharian ng Delos Cristal. Nagumpisa na si Don Juan sa ilang-taong lakbay papuntang Delos Cristal

Nang makarating siya sa kaharian ng Delos Cristal ay una niyang nakita ang magandang Donya Maria. Agad niyang minahal ang prinsesa, at habang naliligo siya ay kinuha ni Don Juan ang kanyang damit at binuhusan ng halik. Napansin ng prinsesa ang nawala niyang damit, at nag-amin si Juan sa kanyang sala. Pero sa unang enkwentro lamang ng dalawa ay malakas na ang damdamin ng pag-ibig.

Kuwinento agad ni Maria kay Don Juan ang kapalaran ng ibang nanligaw sa kanya dati. Sinabi ni Maria ang tamang paraan ng pag-usap sa Haring Salermo, ang kanyang tatay, nang hindi mapahamak ang prinsipe. Pagkakita nila, nagumpisa nang nag-utos ang hari ng mga imposibleng bagay: igalaw ang bundok, magpatayo ng palasyo, at iba pa. Pero lahat ito ay nilampasan ni Don Juan dahil sa tulong ng ‘mahika blanca’ ng kanyang mahal na si Donya Maria. Sa huli, tinakpan ng hari ang mukha ng tatlong kanyang anak, at pinapili kay Don Juan ang kanyang ikakasal. Dahil alam ng prinsipe na kulang ang dulo ng isang daliri ni Maria, tama ang kanyang napili, at nagdesisyon silang tumakas. Kahit nakatakas nga sila, hindi maiwasan ni Don Juan ang sumpa ng reyno: makakalimutan niya si Maria

 

Kasal

Nakabalik si Don Juan sa Berbanya galing sa Delos Cristales, kasama ni Maria. Pagkarating nila sa labas ng kaharian, iniwan ni Don Juan muna ang prinsesa upang makausap muna sa kanyang ama, si Haring Fernando. Nangako si Don Juan na hindi niya ibibigay ang pag-ibig niya sa ibang babae, at pumasok na siya sa palasyo. Pagpasok ni Don Juan, nagawa niya ang lahat ng kailangan niya, pero bago niyang maikuwento ang pagkilala niya kay Maria, biglang dumating si Leonora at gumana agad ang sumpa ni Salermo. Nakalimutan niya si Maria, at nagplano na siyang ipakasalan si Leonora.

Nang narinig ni Maria ang balita ng kasal ni Don Juan, agad siyang pumunta sa kasal. At dito niya ginamit ang kanyang mahika para matandaan siya ng prinsipe. Naalala ni Don Juan ang kanyang mahal para kay Maria at hindi nila tinuloy ang kasal kay Leonora. Si Donya Maria ang naging kanyang asawa.

 

Pagkatao

Si Don Juan ay marangal, sapagkat palaging nasa isip niya ang pagtulong sa ibang nangangailangan, gaya ang kanyang ama. Bukod sa ito, siya rin ay makapagkumbaba at magalang kasi naghihingi siya palagi ng bendisyon ng tao bago umalis o magumpisa ng anumang bagay. Kasama rin sa pagkatao ni Don Juan ang katapangan at nakikita ito sa hindi pagiging takot niya sa anumang problemang napapapunta sa kanya. Sa lahat ng ito, si Don Juan ay maka-Diyos rin, pinasasalamatan niya ang panginoon sa lahat ng biyaya at tulong na ibinigay sa kanya.

 

(gawa ni Mark Tan)

Published on February 22, 2011 at 12:13 pm  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: https://adarnawiki.wordpress.com/mga-tauhan/kaharian-ng-berbanya/don-juan/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: