Don Pedro

Si Don Pedro ay ang panganay sa tatlong prinsipe ng Berbanya.

 

Ang Ibong Adarna at ang Una at Ikalawang Pagtataksil

Sa Berbanya, si Don Pedro ang unang anak ni Haring Fernando at ang panganay na kapatid nina Don Juan at Don Diego. Siya ang unang naghanap sa Ibong Adarna. Sa kanyang lakbay, siya ay nagtagal ng tatlong buwang nakakabayo, at sa pagdating na sa Piedras Platas, natulog siya at naiputan ng Adarna, at siya ay naging bato. Pagkatappos noon, ibunogbug at tinaksil si Don Juan, at pagkatapos sa kanyang pagbalik sa Berbanya, ipinagtaksilan niya ulit si Don Juan.

 

Sa Balon at Ikatlong Pagtataksil

Siya ang unang nagsubok sa balon, at siya ay nabigo. Sa kanyang pagmamahal kay Leonora at ang kanyang inggit, ipinutol niya ang tali na naghahawak kay Don Juan at ipinahulog siya sa balon. Pagkatapos noon, bumalik ulit siya sa Berbanya.

 

Kasal

Sa araw ng pagbalik ni Don Juan, siya ay nadismaya dahil pinili ni Donya Leonora na pagkasalan si Don Juan. Subalit, sa pagpasok ni Donya Maria, siya ay ang nagkasal kay Donya Leonora at si Donya Maria ay nagkasal kay Don Juan. Bilang pagtatapos, siya ay naging si Haring Pedro at si Donya Leonora naman ay naging si Reynang Leonora.

 

Pagkatao

Ang panganay na kapatid nina Don Juan at ni Don Diego. Katulad ng kanyang kapatid, siya ay isang prinsipe na may malakas na pananampalataya at pagiging maka-Diyos. Sa tatlong magkakapatid, siya ang malakas ang loob, ang magpapasok sa kahit anong lugar, kahit marami ang babala. Hindi siya mayabang, pero dahil siya ang panganay, siya ay may mataas na tingin sa sarili. Dahil dito, siya ay may malaking papel sa mga mangyayari, kahit sa huling bahagi ng korido. Bilang dito ang kanyang tatlong pagtataksil kay Don Juan (ang pagbugbog sa kanya, ang pagpapalaya ng Ibong Adarna habang si Don Juan ay ang tagabantay, at ang pagpuputol ng tali ni Don Juan sa balon.)

 

(gawa ni Robert Go)

Published on March 4, 2011 at 3:14 am  Leave a Comment  

The URI to TrackBack this entry is: https://adarnawiki.wordpress.com/mga-tauhan/kaharian-ng-berbanya/don-pedro-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: